Pormal ng itinurn-over ang Water Treatment Facility kasabay ng pagdiriwang ng World Environment Day nito lamang Hunyo 5, 2025 sa Sitio Burucan, Brgy Pagalungan, Cagayan de Oro City.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Mayor Klarex Uy, kasama si Reynaldo Digamo, Region 10 Director ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Environmental Management Bureau (EMB).

Dumalo rin sa turn-over ceremony ang mga department managers ng lungsod at mga opisyal ng Barangay Pagalungan.

Ayon kay Engr. Cuenca, ang naturang pasilidad ay kayang magproseso ng hanggang 300 cubic meters ng leachate o katas mula sa basura kada araw.

Sa pamamagitan ng pasilidad na ito, napipigilan ang pagkalat ng mga mapanganib na kemikal at mikrobyo na maaaring makasama sa kalusugan ng tao at kalikasan. At naglalayong mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *