Pinangunahan ng Digos Local Government Unit ang isinagawang bloodletting activity noong Hunyo 13, 2025, sa Digos Gymnasium, Davao del Sur.
Ang aktibidad ay isinagawa sa pangunguna ng City Health Office (CHO) at Pamahalaang Lungsod ng Digos, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Barangay Goma.
Umabot sa 25 residente ang boluntaryong nag-donate ng dugo, bilang tugon sa panawagan para sa mas pinalakas na suplay ng dugo sa mga ospital at blood banks.
Ang mga nakolektang dugo ay itatabi at maaaring magamit ng mga donor at kanilang pamilya sa mga oras ng pangangailangan.
Sakaling may ibang mangailangan at manghiram ng dugo, inaasahang ito ay mapapalitan upang mapanatiling sapat ang suplay.
Bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga donor, namahagi ang LGU ng tig-limang kilo ng bigas sa bawat matagumpay na kalahok.
Ang taunang bloodletting activity ay patuloy na isinusulong ng CHO katuwang ang mga barangay upang matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng bawat DigoseƱo.

