Umabot sa P17.26 milyon ang kabuuang halaga ng seed capital funds na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 58 Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa lalawigan ng Davao de Oro sa ginanap na pormal na turnover ceremony sa Provincial Capitol Grounds, Nabunturan, Davao de Oro noong Hunyo 30, 2025.

Isa sa mga nakinabang sa programa ay ang Amazona SLPA mula sa Barangay Ngan, Compostela.

Ipinahayag ni Maria Cristina Cajegas, presidente ng samahan, ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa tulong na natanggap mula sa pamahalaan.

Ang Sustainable Livelihood Program ng DSWD ay naglalayong bigyan ng kakayahan ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino upang magkaroon ng mas matatag at mas produktibong kabuhayan.

Sa pamamagitan ng seed capital funds, inaasahang makapagsimula o makapagpalawak ng kabuhayan ang mga benepisyaryo tungo sa mas magandang kinabukasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *