Inilunsad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental sa pamumuno ni Governor Nelson L. Dayanghirang, ang Davao Oriental Integrated Media (DOIM) noong Agosto 2, 2025.
Umabot sa 37 media practitioners mula sa iba’t ibang sektor tulad ng radio broadcasting, livestreaming, digital content creation, at social media reporting, na pawang aktibong kalahok sa information dissemination sa lalawigan ang lumahok sa nasabing aktibidad.
Sa pamamagitan ng DOIM, layunin ng lalawigan na mas mapaigting ang kooperasyon sa pagitan ng media at ng lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng totoo, malinaw, at makabuluhang impormasyon sa publiko.
Dagdag pa, ang pagkakatatag nito ay isang malaking hakbang tungo sa mas bukas, responsable, at progresibong pamamahala, na may kasamang aktibong media bilang tunay na katuwang ng pamahalaan.

