Ipinagdiwang ng Cagayan de Oro City sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Rolando `Klarex’ Uy, ang 31st Meat Consciousness Week sa inisyatiba ng City Veterinary Office sa pamamagitan ng simpleng programa na ginanap sa City Hall Mini Park noong Lunes, Oktubre 14, 2024.
Pinangunahan ni Acting City Veterinarian Dr. Helen Ann P. Tacandong, ang nasabing aktibidad.
Ayon kay Dr. Tacandong, layunin ng pagdiriwang na ito na may temang “Kaligtasan at Kalidad ng Karne Tungo sa Masaganang Bagong Pilipinas” ay mapataas ang antas ng kamalayan ng publiko hinggil sa kahalagahan ng kaligtasan ng karne.