Isang banggaan sa pagitan ng isang motorsiklo at Isuzu elf truck ang naitala sa Barangay Tamontaka 2, Cotabato City nito lamang ika-2 ng Enero 2025.

Kinilala ang mga sangkot na sina alyas “Guia,” drayber ng motorsiklo at residente ng Brgy. Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte at alyas “Rey,” drayber ng elf truck na residente naman ng Pagadian City.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na nakatulog sa pagmamaneho si alyas “Rey,” dahilan upang maagaw nito ang kabilang linya at masalpok ang kasalubong na motorsiklo.

Dahil sa lakas ng banggaan, lubos na nasira ang harapang bahagi ng motorsiklo at elf truck, at nagtamo ng matitinding sugat sa katawan si alyas “Guia.”

Agad namang isinugod sa ospital ang biktima ng mga rumespondeng awtoridad at barangay tanod para sa agarang lunas.

Nagpaalala naman ang mga awtoridad sa mga motorista na iwasan ang pagmamaneho kapag inaantok o pagod upang maiwasan ang anumang aksidente.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *