Tiklo ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng ilegal na baril sa Brgy. Gang, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte nitong lamang ika-2 ng Enero 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “ Sony” 20 anyos at alyas “Jay” 24 anyos, pawang mga construction worker at residente ng Barangay Macaguiling ng nasabing bayan.

Bandang 1:00 ng madaling araw naganap ang naturang operasyon nang mapansin ang dalawang kahina-hinalang lalalaki na nakaantabay sa isang gasoline station, nang lapitan ng mga PNP at suriin, nakitaan ang mga ito ng dalawang di lisensyadong caliber 45 pistol at dalawang magazine na may mga bala.

Kasong paglabag sa R.A.10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act ang kakaharapin ng mga suspek.

Samantala, ang laban kontra kriminalidad ay patuloy na pinapaigting ng PNP upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan tungo sa pagsulong ng bansa.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *