Nagasagawa ng 5-Day Basic Life Support and Standard First Aid Training ang City Disaster Risk Reduction and Management Department sa Cagayan de Oro City nito lamang ika-27 ng Enero 2025.
Ayon sa pamunuan ng Cagayan de Oro City Disaster Risk Reduction and Management Department -Oro Rescue 911 katuwang sa programa ang CLIMBS Fire Station at Kusgan fire volunteer.
Sa programa ay nagbigay ng kaalaman patungkol sa CPR, First Aid at Search and Rescue operation sa 100 kalahok ng nasabing aktibidad.
Hindi hihinto ang Lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro sa pagbibigay ng libreng kaalaman sa mga rescue volunteers upang maisagawa ng maayos at makapagligtas ng buhay sa mga mamamayang apektado ng anumang kalamidad o sakuna.

