Nagsagawa ng Automated Counting Machine Roadshow sa Barangay Dapantis at Barangay Sampao, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nito lamang ika-29 ng Enero 2025.

Pinangunahan ng COMELEC Maguindanao del Sur Office ang naturang aktibidad katuwang ang Rajah Buayan Municipal Police Station, 33rd Infantry Battalion Philippine Army.

Layunin ng aktibidad na ito na ipaalam at ipakita sa publiko kung paano inihahain, binibilang, at ipinapadala ang mga boto gamit ang Automated Counting Machines.

Sa pamamagitan nito, naitaguyod ang transparency at mas malinaw na pang-unawa ng mga botante sa makabagong proseso ng pagboto, na mahalaga upang mapanatili ang tiwala sa sistemang elektoral.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, napalalim ang pang-unawa ng mga botante sa makabagong proseso ng pagboto, na mahalaga upang mapanatili ang tiwala sa sistemang elektoral at masiguro ang isang maayos, mabilis, at payapang halalan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *