Isinagawa ng Department of Science and Technology IX ang 2025 Forum for Small Enterprise Upgrading Program o “2025 Forum for SETUP” sa pamamagitan ng Provincial Science & Technology Office–Zamboanga del Norte (PSTO-ZDN), sa Dipolog City noong Pebrero 23,2025.
Ang aktibidad ay nilahukan ng 26 na mga partisipante mula sa iba’t ibang industry sector, sa ilalim ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs), sa una at ikalawang distrito ng Zamboanga del Norte.
Ang SETUP ay isang flagship program ng DOST na tumutulong sa mga micro, small, and medium-scale enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng scientific, technological, innovative interventions, process improvement, product development, at human resource management.
Layon ng pagtitipon na mabigyan nang angkop na kaalaman ang mga negosyante ukol sa mga oportunidad na inialok ng DOST na kumupkop sa technology innovations upang mapabuti ang kanilang business operations, at mapalago rin ang kanilang productivity at competitiveness.
Photos by: DOST IX
