Isinagawa ang Political Candidates Forum sa Barira Municipal Gymnasium, Sitio Pedtad, Kabuntalan, Maguindanao del Norte nito lamang ika-22 ng Pebrero 2025.

Ang forum, ay inorganisa ng Commission on Elections o COMELEC katuwang ang Marine Batallion Landing 2 at personahe ng Barira Municipal Police Station, ito ay nagsilbing mahalagang plataporma para sa pagtataguyod ng transparency, accountability, at integridad ng electoral.

Naging pangunahing kaganapanan din ang Pledge of Commitment at ang Paglagda ng Peace Covenant, kung saan ang mga kandidato sa pulitika ay pormal na nakatuon sa isang walang karahasan, tapat, at malinaw na halalan.

Layunin ng aktibidad na ito ang bigyang diin ang responsibilidad ng mga kandidato, pwersang panseguridad, at komunidad sa pagtiyak ng isang mapayapa, patas, at maayos na halalan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *