Ibinida sa Kaamulan 2025 Agri-Booth na may temang “Embracing Tradition: Innovating Culture for a Sustainable Future” ang iba’t ibang produkto ng mga munisipalidad na bumubuo sa probinsya ng Bukidnon kasabay ng pagsisimula ng taunang Kaamulan Festival 2025 noong Marso 21 hanggang Abril 23, 2025 na makikita sa Kaamulan Centennial Backstage, Kaamulan Park, Malaybalay City, Bukidnon.

Ang iba’t ibang munisipalidad ay ibinida ang mga produktong lokal lalo na sa larangan ng agrikultura, paghahabi at iba pa.

Mabibili ang mga produkto sa tamang presyo at natutulungan ang ating mga kababayan na magsasaka.

Maraming mga bagay na makikita sa naturang Kaamulan 2025 Agri-Booth, kaya ano pa ang inaantay niyo?

Yayain na ang barkada at pamilya! Mag-enjoy at gumala sa mga aktibidad na inihanda sa Kaamulan Festival 2025.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *