Handog ng Lokal na Pamahalaan ng Tagum ang kauna-unahang Libreng Archery Sports Clinic na ginanap sa Magdum National High School Gym, Tagum City, Davao del Norte noong Hunyo 2, 2025.

Buong pusong sinusuportahan ng Lokal na Pamahalaan ng Tagum ang nasabing programa sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa mga bagong kagamitan at libreng pagsasanay para sa mga kabataan.

Pinangunahan ang pagsasanay nina Coach Victor Arriesgado at Elizer Junior Villarosa.

Nilalayon ng sports clinic na hubugin ang konsentrasyon, disiplina, at tiwala sa sarili ng mga kabataan habang inihahanda upang maging mahuhusay na atleta na maaaring magrepresenta at magdala ng karangalan sa lungsod.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *