Opisyal nang binuksan sa publiko ang Sta. Cruz Flyover sa lungsod ng Zamboanga matapos ang isinagawang inspeksyon at assessment ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, para siguruhin ang kahandaan ng nasabing proyekto noong ika-7 ng Hunyo 2025.
Ang naturang flyover na may kabuuang halaga na P450-M na mula sa 2022 at 2018 General Appropropriations Act (GAA) ay naglalayong maibsan ang nararanasang mabagal na daloy ng trapiko sa lungsod.
Binigyang diin ng kalihim ang kahalagahan ng naturang proyekto para mapaunlad ang daloy ng trapiko at matiyak ang kaligtasan sa kalsada.
Pinuri rin ni Bonoan, ang propesyonalismo at koordinasyon sa pagitan ng mga stakeholder at sinabi nito na fully functional at handa nang gamitin ng publiko ang nasabing flyover.
Babantayan naman at i-aadjust ang access para sa mga pampublikong transportasyon batay sa real-time na kondisyon ng trapiko sa unang yugto na pagbukas ng flyover sa publiko.
Para masiguro ang maayos na transition sa ilalim ng panibagong traffic scheme ay may mga ipinatutupad na mga hakbang ang mga otoridad tulad na lamang ng iilang restriksyon sa mga uri ng sasakyan na maaaring dumaan sa Sta. Cruz Flyover at iba pa.

