Idinaos at nasa 3,279 na mga residente sa Zamboanga City ang dumaan sa oryentasyon para sa deployment sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment DOLE Region 9 noong ika-5 ng Hunyo 2025.

Ito ay sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga na naglalayong matugunan ang unemployment sa lungsod at makapagbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga residente.

Ginawa ang oryenstasyon sa dalawang session kung saan nasa 1,338 na benepisyaryo ang nakilahok sa umaga habang 1,941 naman ang sa hapon.

Bawat benepisyaryo ay makakatanggap ng tig-Php414.00 kada araw o katubas ng Php4,140.00 para sa 10 araw na pagtatrabaho.

Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng patuloy na pangako ng lungsod at ng DOLE na makapagbigay ng emergency employment assistance sa vulnerable workers habang nahahasa ang kanilang economic stability sa pamamagitan ng short-term na cash-for-work program.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *