Isang serbisyong Pangkalusugan na Medical-Dental Outreach Program ang isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa Barangay Old Bulatukan, Makilala, Cotabato nito lamang ika-10 ng Hunyo 2025.

Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng Integrated Provincial Health Office sa inisyatibo ng Gobernador ng lalawigan na si Governor Emmyloun “Lala” J Taliño Mendoza.

Kabilang sa mga naabutan ng serbisyong medical ang 320 na residente at 52 ka tao ang nabigyan ng dental services.

Nagkaroon din ng libreng tuli para sa mga kabataan at feeding program.

Binigyan din ang mga buntis at lactating mom’s ng mga Complementary Food Packs.

Ang aktibidad na ito ay may layuning magpaabot ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga residente.

Ito rin ay nagpapakita na mas lalo pang binibigyang pansin ng pamahalaan ng Cotabato ang kalusugan ng mga tao sa nasabing lalawigan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *