Sa pagdiriwang ng Philippine Environment Month ngayong Hunyo 2025, nagsagawa ng clean-up drive ang Environmental Management Bureau (EMB) Caraga noong Hunyo 13, 2025, sa Ambangan Creek sa Brgy. Ambago, Butuan City.
Isinagawa ang paglilinis sa pakikipagtulungan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Caraga, Philippine National Police (PNP) Caraga, Barangay Local Government Unit (BLGU) ng Ambago, at Robinsons Mall Butuan. Nagtulungan ang mga kalahok at mga tauhan ng EMB sa pagkolekta, paghihiwalay, at tamang pagtatapon ng basura.
May kabuuang 116.3 kilo ng basura ang nakolekta, na binubuo ng 47.6 kg na recyclable, 48.2 kg na residuals, 20 kg na biodegradables, at 0.5 kg na especial wastes.
Ang sama-samang pagsusumikap na ito ay sumasalamin sa patuloy na pangako ng EMB Caraga sa pangangalaga sa kapaligiran at sa pagsulong ng mga sustainable, community-driven na mga inisyatiba.

