Ipinagdiriwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga Sibugay ang ika-15 founding anniversary ng Philippine Ruber Research Institute (PRRI) na itinayo sa bayan ng Naga sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay noong ika-4 ng Hunyo 2025.
Pinangunahan mismo ni Sibugay Governor Dulce Ann K. Hofer, kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture-9 (DA-9), Department of Science and Technology-9 (DOST-9), at iba pang mga ahensya ng pamahalaan ang selebrasyon.

Si Governor Hofer, ang pangunahing may-akda ng Republic Act No. 10089 na nagtatag ng PRRI sa Zamboanga Sibugay noong ito’y naging kinatawan ng ikalawang distrito ng lalawigan.
Ang tema sa selebrasyon para sa taong ito ay, “Strengthening the Rubber Industry with Science, Partnership, and Service: Daan sa Sama-Samang Paglago at Pagsulong ng GOMA-gaang Buhay sa Bagong Pilipinas.”
Layon ng pagtatatag ng rubber research institute na mapangalagaan at mapalago ang industriya ng goma sa Zamboanga Sibugay, ang tinaguriang rubber capital ng bansa.

