Sumailalim sa Regional Program Management Office Caraga ng Orientation ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga benepisyaryo ng programa sa Basic Computer Training sa ilalim ng TUPAD Convergence Program sa Sitio Looc, Brgy. Luna, Surigao City, Surigao del Norte ngayong Hunyo 13, 2025.
Layunin ng aktibidad na maipabatid sa mga benepisyaryo ang mga oportunidad sa trabaho at benepisyong maaaring makamit sa ilalim ng programa.
Ang pagsasanay ay tumatagal ng sampung (10) araw, na pinangungunahan ng Public Employment Services Division Office (PESDO) – LPTC Surigao City, katuwang ang DOLE, DSWD Caraga, at TESDA.
Bahagi ito ng mas malawak na layunin na hindi lamang upang maghatid ng agarang tulong, kundi upang magbigay ng pangmatagalang solusyon sa pamamagitan ng edukasyon, kasanayan, at pagpapalakas ng kakayahan ng bawat benepisyaryo.
